Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;
Mga minamahal kong kababayan:
Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami at pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.
Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.
Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.
Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na koleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.
Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.
Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.
Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.
Saan naman po dinala ang pera?
Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.
Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng iba bagyo na ang ngalan ay Cosme, na nangyari noong 2008 pa.
Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.
Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.
Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta'y sais porsyento ang dagdag.
Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.
Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:
Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meetings, katorse mil na. Aabot ng nobenta'y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.
Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at financial assistance. May Christmas bonus na, may additional Christmas package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta'y otso mil.
Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa't kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.
Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed po, puno ang kailangan. Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.
Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo. Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira - sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.
Pag-usapan naman natin po ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu't anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ng budget na 425 million pesos.
Ang pinondohan po, dalawampu't walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyekto sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.
Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.
Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.
Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.
Walumpu't anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.
Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH.
Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.
Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.
Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.
Ang inaakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.
Kung naging matino ang pag-utang, sana'y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.
Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.
Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.
Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.
Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.
Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.
Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.
Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.
Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?
Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.
Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:
Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.
Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.
Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.
Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.
Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.
Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin na natin ang mga proyektong mali.
Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.
Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.
Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.
Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu't anim na milyong piso ang halaga.
Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?
Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna ni Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.
Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings na nangyari sa maikling panahon ng ating panunungkulan ang patungo na sa kanilang resolusyon.
Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.
Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.
Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.
Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.
Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.
Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.
Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunuan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.
Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin.
May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.
Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:
Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu't dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni Gen. MacArthur.
May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.
Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.
Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.
Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba't ibang pangangailangan.
Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.
Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.
Sa agrikultura, makakapagtayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.
Kung maisaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.
Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating mga railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.
Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.
Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.
May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:
Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.
Ang dating listahan ng tatlumpu't anim na dokumento, ibababa na natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.
Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.
Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan. Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa't isa.
Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.
Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.
Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.
Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.
Madadagdagan na natin ang mga classroom. Mapopondohan na natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.
Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.
Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.
Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu't pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman nila, singkuwenta'y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu't walong porsyento ang may coverage.
Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nangangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.
Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.
Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.
Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.
Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.
Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.
Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.
Sa lalong madaling panahon, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.
Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.
Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.
Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.
Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.
Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.
Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.
Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower's Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.
Palalakasin po lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.
Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.
Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.
Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang sitwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.
Tungkol sa sitwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.
Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo pwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang naging proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.
Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.
Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: Tanong ko lang po. Handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?
Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Kayo po ba ay handa rin? Mag-usap tayo.
Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.
Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.
Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ang magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.
Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.
Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.
Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.
Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?
Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?
Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw, kung iisipin nating "Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa" -- magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.
Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda pa po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.
Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?
Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang sitwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.
Maraming salamat po. Magandang hapon sa inyong lahat.
これは、フィリピン語です・・・ Google翻訳は?
大統領はベニグノ米 アキノIIIは、国家のアドレスの状態、フィリピン、セッションホール、BatasanのPambansa、ケソン市の共和国の15連邦議会の第1回定期的にセッションの共同セッションの開会式に行った2010年7月26日
2010年7月26日(月曜日)午後05時16 公共情報サービスユニット
スピーカーフェリシアーノベルモンテ、上院議長フアンポンセエンリレ、副社長Binay副大統領候補、最高裁判所長官レナートコロナ、元大統領フィデルバルディーズラモスとジョセフエジャーチートエストラダ、下院と上院、外交団の識別のメンバーのメンバー、私の同僚政府;
私の愛する市民の皆さん:
我々は岐路に直面して、管理のすべての瞬間。
一方、人々の利益のためにオプトインしています。 一般的な関心と原則的にpagkapitのビュー、および正直な公務員としての宣誓義務と一緒に。 これは、直線道路です。
それ以外の個人的な利益を最初にしています。 pagpapaalipin政治的配慮、人々の福祉を犠牲にする。 これは、曲がった道です。
してください政府は何百ものフックが失わ持続。 ポーは、毎日、私は特に問題は我々の遺産の範囲を広げる。 Damang - Iは私の責任の重さを確認した。
私たちの任期の最初の3週間、私たちは多くの知見がされている。 私はあなたにだけ私たちが継承の問題のいくつかを表現したいしてください、私たちはそれらを解決する手順を実行します。
ご一見する:すべてではない、この問題は我々が直面しています コンシールファスナーは、意図的に発生する私たちの国の真の状態に人々。
今年の最初の6ヶ月、政府はより大きい収入を入力して過ごした。 我々は196700000000ペソに上昇赤字を、成長した。 ターゲットコレクションは、我々は238億ペソを、コストとしても計算kinapos、我々は45100000000ペソを超えた。
2010年にしてください予算は1540000000000ペソだった。
100000000000ペソまたは6と0.5%合計では、今年の私達の自由、残りの6ヶ月間利用可能です。
総予算のpo毎月の残りの約1%。
poはお金を取ったどこ!
起こったことはない災害に備えて専用の20億ペソの災難基金。 したがって、最小限の資金が、洪水、暴風、1.4億ペソまたは70時私達はちょうど後釜は、パーセントを過ごした。
パンパンガ州、それは1つの地区で唯一行って105百万ペソの州は108万ペソの合計。 一方、Pepengが荒廃コスメ、2008年にはまだ発生しての名前は別の嵐によってもたらされただけで500万ペソを受け取った後パンガシナン州。
ごは選挙の1カ月で、OndoyとPepeng 7ヵ月後にパンパンガ州の資金を提供した。 どのような明日は激怒された場合は? この嵐のための資金を過ごす年に起こった。 過去の欲の今後の請求。
それはまた、資金のマニラ首都圏水道が起こった。 最近では、人々は水を得るためにキューに入れます。 それにもかかわらず、より多くのマニラ首都圏水道の指導で自分に報酬を提供するために良いも年金は退職者に支払われる前に。
2009年、マニラ首都圏水道全体の給与は51.4万ペソだった。 しかし、また、それはちょうど彼らの賃金は、追加の引当金と利益ではなかった彼らは最大160100000ペソです。 簡単に言うと、彼らは昨年211500000ペソを受け取った。 24%は、通常の賃金と、sitenta'y 6%増加した。
クラスは13平均第月 の給与に加えて現金ギフトだけで集まった。 マニラ首都圏水道では、獲得ボーナスは、給与を含むすべての手当ヶ月30取るに相当する以上の。
より賃金をしてください私たちは理事会が発見した。 私たちは、彼らが受け取る手当を見てみましょう:
あなただけの理事会、理事会委員会会議の上に座って14000。 Nobenta'yそれらを取る8000 1ヶ月。 年間80000あたり5人食料インセンティブ。
それだけではなく:今年半ばのボーナス、生産ボーナス、記念日のボーナス、年末のボーナス、金融支援。 追加クリスマスパッケージを5月のクリスマスのボーナスは、まだありません。 これらのすべての1つは、8 nobenta'yのミル。
総和にしてください、pakotse、技術支援、融資以外の委員会のメンバーあたり年間ペソをすべて2 50万をとる。 私は繰り返し、サー。それはすべて彼らが退職者の未払い年金として自分自身を提供しています。
してくださいまた、ラメサ流域は、それらを許していません。 適切な水の供給をして、流域の世話をする必要があります。 ご流域、必要性を満たした。 としては、以上のスタンドマニラ首都圏水道の幹部は、彼らがtinayuanホームされた。
彼らはミッドナイト被指名者をアロヨ大統領の含まれているため、すぐにその場で削除されなかった。 私たちは皆この件を調査。 彼らはまだ少し恥を残しました - があってもうまくいけば、彼らが意図的にだけ、その場で辞任。
また、インフラストラクチャのための資金をしてください議論する。 DPWHは、2つの46度の安全プロジェクトは自動車ユーザーのチャージによって資金を供給することにしてください。 してください425000000ペソにこの予算が必要です。
資金してくださいのみ28プロジェクト。 ごは70のプロジェクトを2つ、18を忘れて、計画のプロジェクトには何も置き換えられます。 、425万ペソを要求480000000ペソ以上、主に受益者側のプロジェクトの側で栽培されただけで行きました。
してくださいプロジェクトは、無駄な教育を受けていないではなく、準備ので、キノコsumusulpotている。
このシーズンに向けて'mの完了。 私たちにはクォータ、ないtongpats、人々だけ過ごすことになります人のお金をクォータを管理しましょう。
我々は、まだ発見している。 前政権の任期の最後の5日前までに、彼らnagpautosは3.5億ペソのOndoyとPepengの犠牲者のリハビリテーションのための描画します。
Walumpu't 6 paglalaananプロジェクトは、入札の競争ではない必要があります。 Labingsiyamはそれをほぼ981000000ペソ相当の距離を取得します。 まだ特別な割当て発売注文は、契約を締結されたリリースします。
幸いなことにだけ発見さとDPWH長官ロヘリオ総裁でそれを無効にします。
なお、現在、一定の入札に35億ペソの合計です渡し、OndoyとPepengよう失った人々のための家を提供することを好んで利用可能な資金。
また、NAPOCORに起こった議論する。 2001年には2004年まで、価格の上昇しないのpalugiなく電気NAPOCORを販売する政府を余儀なくされた。 どうやら理由:彼らは選挙を準備する。
その結果、2004年にpagkakabaonはNAPOCORの負債をsumagad。 強制政府は200000000000ペソそれに負債に対応する。
卑劣な私たちはまた都市の箱から支払わ電気natipid人。 私たちは、まだ我々は余分な政府の債務を支払った電気のコストがあります。
あなたはまじめな借金した場合、唯一の電気の供給の私達の保証を増加した。 しかし、決定は間違って政治に基づいていたとは人々のニーズを。 pinagsakripisyoさらに、拷問された後。
ごは同様にMRTに起こった。 持って、私たちの愛を購入してみました。 強制演算子は、運賃を低く維持する。
保証は、オペレータへの投資を回復するために指定されたnagampananを行っていない。 したがって、MRTで購入するLandbank開発銀行、フィリピンのよう命じた。
人のお金が、naluluging操作を交換した。
ポーは、我々はNFAの資金を提供する傾向がある。
2004年には、117,000トン、フィリピンの供給この欠点。 彼らは、90万トンを買った。 あなたは以上の7回、欠点を繰り返す場合でも、まだあまり、彼らが購入されます。
2007:589000トン、フィリピンでの供給に失敗しました。 購入して、1827000トン。 あなたは3倍以上、また、それらの多くを購入した欠陥を繰り返す場合でも。
痛みため、過度に彼らは毎年、米だけの穀倉地帯の腐敗に、2008年に起こったが買う。
彼らが米を分解することができますこれらの犯罪は、400万人のフィリピン人にもかかわらず、ではないでしょう1日3回食べるか?
その結果、今年5月のNFAの171600000000ペソは、債務に達した。
破棄され、ほぼ次のように資金を提供することができますでしょう:
12700000000ペソ全体司法の予算は、今年。
来年の条件現金転送、29.6億ペソ相当。
私たちの国のすべての教室が必要、130億ペソ相当。
極悪な貿易。 マネー、石はまだありません。
聞いてくださいどのようにnilustay都市の箱。 現在明らかにしてください:任意の変更が確実に来る我々の両端、贅沢で消費されて。
だから今からください、私たちはお金のpaglulustay町を停止します。 我々は間違ってプロジェクトを削除します。
これは、我々は予算にゼロベースのアプローチを呼ぶもののポイントです。 てください。傾向となり、年間だけの予算を漏れの完全な繰り返し。 ほんの少しの増加は、あなたが作ることができます。
来月我々は、正しく問題を認識して予算を犠牲にするもmagtutuon右ソリューションに従事。
これはほんの一部我々が発見された問題の。 ポーは、ここではない手順のいくつかの例です。
してくださいが質屋の所有者の場合はです。 彼は車を26000000ペソと推定買った。
あなたはランボルギーニを買うことができる場合は、余裕がない理由は、税金を払う?
ごNasampahanこの場合に。 財務長官セザールプリシマ事務法務レイラデリマ、ビール金委員長エナーレスと税関委員リートアルバレス、我々はしてください。毎週によって導かれて、新しいケースを密輸し、適切な税金を払っていない訴訟があります。
また、サンフランシスコバルドメロ、ミゲル、ホセDaguioベツレヘム、3つの超法規的殺害の6つの事件の私たちが座っているので、これらのケースで犯人を特定してください。
私達の短い任期中にその解決に向けて発生した超法規的殺害事件のご50%。
してください私たちが調査を正義を達成するためにtatantanan半分残っている。
我々はPananagutin殺人。 また、Pananagutin腐敗した政府。
開始私たちの真相究明委員会は、元最高裁判事ヒラリオダヴィデ主導構築する。 我々は疑惑不正の真実を求める過去9年間が発生しました。
1週間以内に、私が最初に執行順序をこの真相究明委員会の開発を割り当てますpipirmahan。
不正への答えは責任がある場合は、その答えは私たちも資金がスタイリッシュで創造的な方法pagkatagal -期間を問題に対処している欠けている。
教育からしてください無数の我々のニーズ、インフラ、健康、軍や警察のニーズ、および大いに多く。 まだすべてを一杯に資金を合わせて。
彼は新たな関心やフィリピンに自信を示しているので、私はまだ群れ、どんなに大きな赤字が我々のニーズのリストをmapunuanにしてください。
これは、ソリューション:官民パートナーシップされます。 もまだpirmahangここで起きている場合、私にはよく複数の問題の結果であると言う。
してください、その関心は、マニラからの状態でカガヤンバレーの終わりまでもポーペソを費やすことはブラカン、ヌエバエシハ、ヌエバビスカヤの、tatahakを高速道路を構築したい示している。
我が軍の分野では:
私たちは海岸の36,000海里を持ってしてください。 私たちはある:32に発送。 それは発送今回より将軍の マッカーサー。
5私たちに提案、この命題:彼らはフォートボニファシオにロクサス大通りで海軍本部と海軍基地のuupahanしてください。
彼らは私たちがキャンプアギナルドの海軍本部を移動するにお答えください。 突然、私たち億ドルを与える。 彼らはuupahanグランドを構築する企業からと以上のすべてのこと、彼らはmagsusubi当社の収益。
簡単な卓球の言葉:我々はコストを立つ必要はない取得、我々は多くを得る。
多く提供し、私たちにお勧めしてください、地元の外国商人には、さまざまなニーズのルール。
それは、我々の経済を成長させる官民パートナーシップ、給付フィリピンから。 この分野に役立つ多くの。
Maipapatayo'm私たちは観光を成長させる必要がありますimprastrukturang。
穀物の農業、私たちはmakakapagtayo端末、冷凍設備、良い道路網や収穫後の施設があります。
我々は民間の力を借りではなく、より我々は我々がグローバルな市場を提供するだろう夢を見ることインポートすると私達の食糧のサプライチェーンを整理します。
提案場合は、当社の鉄道システムに構築される商品の価格は少なくとも。 安く、より速く、より便利で、防止よりkumokotong kotong警察、これらの反乱の旅へ。
ポーでの注意:前に当社のプラットフォームは、ジョブの成長雇用を創出する業界から来ている。 業界で唯一私たちがきれいな場合は、より速く、より便利なプロセス人動作するために増加します。
プロジェクトの我々はPabibilisinプロセス構築の転送の動作に従う。 プロセスが年間ていない場合は数十年かかる前に、政府と市民のすべての枝の助けを借りて、私達は6ヶ月をもたらす。
また、手順はDTIを開始してください事務グレゴリードミンゴ主導している:
会社の名前を登録するの無限の前後のプロセスは、それぞれの訪問者が午前7時56分時間がかかる、我々は分15をもたらす。
36ドキュメントの元のリストは、我々は6もたらすでしょう。 旧8ページの申請書には、ページをダウンさせるでしょう。
私は同MPに呼び出します。 我々は方法、ビジネスのより迅速な開口部を作るためにも、そのプロセスを分析しているが。 それが高速化する必要がある、それは改革は私たちsinisumulanに一致する必要があります。
トレーダーらは、兵士たちは、反政府勢力、通常フィリピン、これはしてくださいからすべての利点。 ただしない欠点が国を、私たちすべてが我々はそれを達成するためにパートナーシップを開始してくださいする必要が認めてみようしてください。 私たちはお互いを拷問しないでください。
'私たちは市民や子供たちの未来のセキュリティを選択する必要はありませんメートル常に時間。
時間は、それがに従い、当社のプラットフォームとの社会的サービスを資金官民パートナーシップを実装します。
Magkakapondo当面私たちの教育を実施すると。
我々は非常に短い10年12年のグローバルスタンダードにから基本的な教育サイクルを延長した。
私たちは教室を増やしてください。 我々はGASTPEでサービスの契約に資金を提供。
家族のポケットの負担を軽減条件現金転送、を含む、madadagdanはよく支援した。
実行可能ファイルは、我々はPhilHealthする予定です。
まず、それらの人が必要なの実数を定義します。 今のところ、耳障りなデータです。 PhilHealthは口には、walumpu't 7%のカバレッジがあると言うと言います。 彼らは、singkuwenta'y 3%を、他の口をした。 統計庁、38パーセントによると、報道がある。
今でも、長官はディンキーソリマンとDSWDとして機能するシステムをターゲットと国立世帯を実装するため、家族の調査に光で最も支援を必要とします。 推定9000000000 PhilHealth家族をpinakamaralitang 5000000フィリピンを与えることが必要です。
ご崇高な我々が直面しています 私たち民間企業などしましょう、我々はまた、リーグ州の州知事アルフォンソUmali主導含まれる知事のL -レイVillafuerteと知事イコットPetillaが含まれていた。 ご費用の資金調達に参加する準備ができて協力する。 私はまた戻ってリーグを都市の市長オスカーロドリゲス主導行くしないでください知っている。
地方政府は私たちに思いやりのある、議会はまた、私の原点も、多分私はあまりにも期待されます。
Nagpakitang'mの式典キャビネット私たちの問題を定義し、わずか3週間でソリューションを起動します。
嵐をBasyangてください、電気フランチャイズ私たちにと言い、電気4日なし。 高速動作長官ルネアーモンドと米エネルギー省は、電力はほとんどすべてにわずか20 - kwatro時間内に返されます。
してくださいと言っメトロマニラの水の欠如は、直ちにkinilusan長官ロヘリオ総裁とDPWH。 彼は、けがを低減されなくコマンドを待っていた。
また、これらの私たちは内閣を選出するための優雅さを見た。 ポー合理的な希望は、針、おそらく彼らはpadadaaninホールが予定委員会を確認します。これはくださいを発生した場合、多くの偉大なフィリピン人は、政府サービスを提供maeengganyong。
すぐに、LEDAC私たちが座っていると我々が通過重要法案を議論する。 あなたは私が私の心を開いたままにし、ある私たちの関係は一定に維持されます。
私たちは財政責任法案を推進しようが資金をする場合、まだそれのソースを決定しないことを要求我々magpapasa法。 5月に104100000000ペソは、私たちは、法案は資金を調達する必要がありますが実行されません。
また、財政insentibong過去に提供さ調整する必要があります。 滞在して、どのような今を停止する必要がありますそれらを返す必要があります我々は今制限ベルト。
別のNBNを- ZTE社を持って喜んではいけない。 ローカルまたは外国ファンドが来て、それが正しいプロセスを通過する必要があります。 私はamiyendahan当社調達法助けるようにお願いいたします。
してください憲法によると、市場での権利の平等を確保の状態のOffice。 いいえ独占、違法カルテルがsasakal競争。 我々ができるように反トラスト法を必要としてくださいこれらの原則に生活。 これは、中小規模企業のための機会に参加して提供し、我々の経済の成長に貢献する。
私たちは国土利用ビルを渡すみましょう。
してくださいまた、最初の連邦法国防法、1935年が経過した。 現在の国家安全保障のニーズを満たしている法案でそれを交換する必要があります。
お楽しみ私は恐怖と沈黙の文化を払拭するために継続する公益通報者のビルを要求します。
してください特に証人保護プログラムを強化する。 私たちは忘れないでください、2010年、2009年になるまで、ケースの95%与えているところ、このプログラムに証人場合がございます。
私達の法律を確認する必要があります。 どうかそのrekodipikasyon我々の法律が、彼らは耳障りは調和のとれたていることを確認する呼び出しを開始します。
この法律が、注文の基礎を満足させるすべての私たちがの基盤は我々が平和と静けさなしに到達しない原則です。
我々は平和の面で2つの将来の問題を持って、ミンダナオの状況、およびCPP -警察庁-域外を打つ続けた。
ミンダナオでの状況について:あなたは私たちの見通しを変更しないでください。 に達しました場合にのみ、平和と静けさ影響を受けるすべての対話に:モロ先住民の人々、キリスト教。 我々は、大臣に私たちの熟女で話し行うにはディーンマービックLeonenを任命した。
我々は、エラーを回避する前政権で発生しましたがどのミンダナオのbinulagaだけ市民我々はできない政治的な色の疑いの目で共謀、処理されたとは人々の唯一の関心の福祉を。
我々は、手順を認識することpagdidisplinaその範囲で熟女。 我々は、交渉が再びラマダン後に起動願っています。
ポーのCPP -警察庁-域外については、私が質問をお願いします。 あなたが具体的な提案を提供する準備ができて、だけではなく、リスト全体でですか?
あなたが望めば平和はまた、大規模火災を停止でお問い合わせを用意しました。 また、準備ができていますか? 私たちは話しています。
そこに空気中の火薬の匂い中が難しいの議論を開始します。 私を呼び出します:私たちはとても楽しい機会を1つの目的の下に集まるようにしてみましょう。
平和と静けさが繁栄の基礎をしてください。 また、貧困の中で私たちを結びつけて続けて銃撃事件を続けている。
また、あらかじめご了承ください必要があります:これは、犠牲の時間です。 そして、犠牲は私たちの未来のための投資されます。我々の権利と自由と密接に絡み合っ両方我々の義務と国です。
してください、nagbablock時のメディアの友人たち、特にラジオ、印刷では、期待して、地元の新聞では、あなたが自分で範囲を見てくださいする必要があります。
人生は、あなたの職業の基本的な原則を:重要な問題は、公正かつ誠実さに説明を提供するために提供する、公共の談話のレベルを上げる。
すべてのフィリピン人のご義務は我々が指導者にその場でもnagluklokを集中。 参加への中立性からステップ。 干渉なく、これまで苦情以来。 参加者は、ソリューションを共有する。
してくださいようにという観点昇進の鍵長が解決しない心そのものの両方を理解して超えています。 クリア私に:どのようにaasenso中nilalamangan両方?
まだ学ぶ機会を与え、どのように仕事を得るには? 失業した場合、どのようになる消費者? 貯蓄銀行と同じように?
もし我々がbabaliktarinの視点我々は考えればしかし、"私は私の仲間"の能力が追加されます - それは果実され、すべてのチャンスがあるだろう。
'mの美少女たちを本格的。 公平以上の私たちをしてくださいアクセスできます。 しかし、私たちは、そこに我々が勝つnagnanasangであることを忘れてはならない。 我々が成功しない場合、彼らは再び力を、人々の搾取を返すため。
どうか私を信じて、神と私たちの人たちの場所に今日もたらした。 私たちは他人のために確かに我々は自分自身を数えることができるだろう祝福と指導に集中中。 そして、我々のパートナーが神であると考えられ、我々はそれを介して持っていないのですか?
任務は我々が最後の選挙で得たことを証明するフィリピン人は、まだ変更することを望んでいるです。 その他、本当に状況。 私たちはpinangarapの実現へ行ってみようできませんもう一度、夢を。
ありがとうございます。 午後のすべてに良い。
0 件のコメント:
コメントを投稿